Muling pamamaga ng Bulkang Taal, mahigpit na binabantayan ng PHIVOLCS

Nananatiling abnormal ang aktibidad ng Bulkang Taal, walong buwan matapos itong sumabog noong Enero.

Sa interview ng RMN Manila kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, sinabi nito na patuloy nilang binabantayan ang bulkan lalo’t nakitaan ito ng muling pamamaga.

Samantala, sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS ng anim na volcanic quakes sa paligid ng Bulkang Taal.


Nakitaan din ito ng fumarolic activity o mahinang pagbubuga ng usok na may taas na limang metro mula sa main crater at sa fissure vents ng bulkan sa bahagi ng Daang Kastila Trail.

Sa ilalim ng Alert Level 1, nananatili pa rin ang banta ng posibleng pagsabog ng bulkan.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng PHIVOLCS na bawal pa ring lumapit sa Taal Volcano Island (TVI) at sa Permanent Danger Zone nito lalo na sa bisinidad ng main crater at sa Daang Kastila Fissure.

Facebook Comments