MULTA NA P20K-P30K AT PAGKAKAKULONG, IPAPATAW NA PARUSA SA MGA TATANGKILIK SA ILEGAL NA PAPUTOK SA DAGUPAN CITY

Kaakibat ng pinaigting na kampanya sa ligtas na paskuhan ngayong taon, ang parusa sa mga mahuhuling nagbebenta at gumagamit ng ilegal na paputok sa Dagupan City.

Ayon sa Pamahalaang Panlungsod, maaaring magbayad ng multa na P20,000 hanggang P30,000 at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon ang lalabag.

Maari ring kanselahin ang lisensya at kumpiskahin ang ilegal na paputok na ibinebenta sa lungsod.

Bilang hakbang sa pagpapatupad nito, namimigay ng torotot ang tanggapan bilang alternatibong kagamitan bilang pampaingay ngayong papalapit ang bagong taon.

Katuwang ang iba pang ahensya, layunin na huwag pahawakin ng paputok ang mga kabataan nang mailayo sila sa disgrasyang kaakibat ng paggamit ng ilegal na paputok.

Facebook Comments