Itinaas ng Supreme Court (SC) ang multa para sa mga hukom na mapatutunayang gumawa ng administrative offenses simula Mayo 31.
Ayon sa SC, maaaring masibak, masuspinde at pagmultahin nang hanggang P200,000 ang isang hukom na mapapatunayang may sala sa isang seryosong kaso.
Para naman sa hindi gaanong mabigat na kaso ay pagmumultahin ito ng hanggang P100,000 habang sa mababang kaso ay hanggang P35,000.’
Ito ay mula sa P1,000 hanggang P40,000 na multa sa kasalukuyan.
Ayon sa SC, ang taas-multa ay upang masunod ang ipinatupad na kautusan at matugunan ang pagmura ng halaga ng piso.
Batay sa Rules of Court, kabilang sa mga kasong dapat panagutin ay ang bribery, immorality, gross ignorance of the law procedure at conviction of a crime.
Ikinokonsidera namang bahagyang mabigat na kaso ang undue delay in rendering a decision or order, or in transmitting the records of a case at unauthorized practice of law, at mababa naman sa gambling in public and fraternizing with lawyers and litigants with pending case/s in his court.