Multang ipapataw sa Manila Water, dapat mapakinabangan ng mga consumers nito

Hiniling ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na ibigay na lamang sa mga consumers ang multang ipapataw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Manila Water.

Pinatitiyak ng MWSS na ang multang P1.134 Billion ay dapat direktang mapakinabangan ng mga apektadong residente.

Pinako-convert ni Zarate bilang rebates sa bill ng mga apektadong consumer ang multang ipinataw ng MWSS sa Manila Water alinsunod sa itinatakda ng kanilang concession agreement.


Ang mga consumers ng Manila Water ang nagdusa at napagastos ng mawalan ng tubig noong Marso hanggang ngayon kaya marapat lamang na ang mga ito rin aniya ang makinabang sa ibabayad na multa ng water concessionaire.

Samantala, iginiit pa ng mambabatas na maghahain pa rin sila ng kaso laban sa Manila Water at papanagutin ang lahat ng mga opisyal na bigong gampanan ang kanilang trabaho na nagresulta sa water shortage.

 

Facebook Comments