MULTI-PURPOSE BUILDING SA LUNA, MALAKING TULONG SA MGA RESIDENTE

CAUAYAN CITY – Nagagamit na ng mga residente ng Barangay Luyao, Luna, Isabela ang kanilang bagong multi-purpose building.

Nagkakahalaga ang nasabing gusali ng ₱2.9-million sa ilalim ng 2024 DPWH Basic Infrastructure Program.

Kabilang sa proyekto ang paggawa sa stage, paglalagay ng mga bleachers at painting sa buong court.


Magagamit ang multi-purpose building para sa mga aktibidad na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang komunidad tulad ng seminars, medical-dental mission, at iba pa.

Maliban dito, magagamit din umano itong evacuation center sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Facebook Comments