MULTI-PURPOSE DRYING PAVEMENT SA ALAMINOS CITY, PINASINAYAAN

Isinagawa ang Blessing, Ribbon Cutting, at Turnover Ceremony ng Multi-Purpose Drying Pavement at Palayshed sa Sitio Lucanan, Barangay Mona, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura.

Personal na dinaluhan ang nasabing aktibidad nina City Mayor Arth Bryan Celeste at Vice Mayor Jose Antonio Miguel Y. Perez, na parehong nagpaabot ng mensahe ng suporta sa mga magsasaka ng komunidad.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang mga pasilidad para sa maayos na pagpapatuyo at ligtas na pag-iimbak ng palay, na inaasahang makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng ani at kita ng mga magsasaka. Ang mga pangunahing benepisyaryo nito ay ang mga magsasaka ng Sitio Lucanan, partikular ang mga kasapi ng SIGLAT Farmers Group Inc.

Dumalo rin sa okasyon ang mga kasapi ng SIGLAT Farmers Group Inc., at mga opisyal ng Barangay Mona, na nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa proyektong magdudulot ng pangmatagalang benepisyo sa pamayanan.

Facebook Comments