Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Australia, Japan at US, naging matagumpay

Courtesy: Armed Forces of the Philippines

Matagumpay at walang naitalang untoward incident sa katatapos lamang na Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Australia, Japan at Estados Unidos sa loob ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kahapon.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong, ang nasabing aktibidad ay collective commitment ng mga nabanggit na bansa na layong palakasin ang regional at international cooperation at mapanatli ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.

Sa Panig ng Philippine Navy, lumahok ang BRP Gregorio Del Pilar, AW109 helicopter; BRP Antonio Luna at AW159 Wildcat ASW helicopter; at BRP Valentin Diaz.


Kasama ng mga barko ng Phil. Navy ang USS Mobile at P-8A Poseidon ng United States Navy; ang Royal Australian Navy HMAS Warramunga at Royal Australian Air Force P-8A Poseidon Maritime Patrol Aircraft; at JS Akebono ng Japan Maritime Self-Defense Forces.

Ang mga kalahok ay nagsagawa ng communication exercise, division tactics o Officer of the Watch maneuver, at photo exercise, na bahagi ng pagpapalakas ng interoperability ng kanilang mga pwersa.

Facebook Comments