
Isinagawa ang ASEAN Multilateral Naval Exercise (AMNEX) 2025 matapos ang sea-phase activities nitong Aug. 22, 2025.
Ipinakita ng mga kalahok na naval forces mula sa iba’t ibang ASEAN countries ang pagtutulungan sa pamamagitan ng sunod-sunod na maritime drills tulad ng Maneuvering Exercise, Surface Action Group Exercise, Replenishment at Sea Approach, Publication Exercise, Flash Exercise, Night Steaming in Company at Screening Exercise.
Kasama sa mga nanguna ang Philippine Navy gamit ang kanilang BRP Antonio Luna (FF-151).
Pinatunayan ng AMNEX 2025 ang matibay na ugnayan ng mga hukbong-dagat ng ASEAN kung saan muling ipinakita rito ang diwa ng pagtutulungan, pagkakaibigan, at pagkakaisa.
Facebook Comments









