‘Multilateral resistance,’ hindi pwedeng i-ignore ng China – US official

Hindi babalewalain ng China ang “multilateral resistance’ ng Estados Unidos at kaalyado nito laban sa militarisasyon nito sa South China Sea.

Ayon kay US Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs David Stilwel – malakas ang ating pwersa kasama ang mga kaalyadong bansa laban sa China.

Magiging epektibo aniya kapag may higit isang bansa ang kumokontra sa mga hakbang ng China.


Suportado rin niya ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration laban sa pag-aangkin ng China sa buong karagatan.

Iginiit ni Stilwel na ang desisyon ng tribunal ay ‘final’ at ‘legally binding.’

Facebook Comments