Multinational conglomerate sa Thailand, mamumuhan ng 1.5 billion US dollar sa agricultural projects ng bansa

Mamumuhunan ng 1.5 billion dollars ang multinational conglomerate sa Thailand na Charoen Pokphand Group o CP Group para sa mga agricultural project sa bansa.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., kabilang dito ang pagtatayo ng 10,000 ektaryang modernong mega farm.

Naselyuhan ito matapos makipagpulong si Pangulong Marcos sa multinational company sa Laperal Mansion kung saan natalakay ang investment na inaasahang magpapalakas sa agrikultura sa bansa at makakalikha ng kabuhayan.


Ang CP Group ay isa sa pinakamalaking conglomerate sa Asya na may operasyon sa agrikultura, pagkain, retail, telecommunication, at pharmaceutical.

Kilala rin sila sa kanilang tatak na “7-Eleven” sa Thailand at iba pang bahagi ng mundo.

Facebook Comments