Nangako ang DP World ang Multinational Logistics Company na naka-base sa Dubai, United Arab Emirates na palalawigin ang kanilang negosyo hanggang sa Pilipinas.
“DP World is an Emirati multinational logistics company based in Dubai, United Arab Emirates. It specialises in cargo logistics, port terminal operations, maritime services and free trade zones.”
Ito ang inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang kanyang pakikipagpulong kay Sultan Ahmed bin Sulayem, Group Chairman at chief executive officer ng DP World na sidelines ng World Economic Forum sa Switzerland.
Sinabi mismo ni Sulayem na commmitted silang maglagak ng negosyo sa Pilipinas at ang plano nila ay maglagay ng industrial park sa Clarkfield Pampanga.
Ayon pa sa opisyal, ang kanilang kompanya ay naglalagay at nagde-develop ng mga industrial parks sa iba’t ibang mga bansa at mayroon nang matagumpay na ventures sa Dubai.
Mayroon na rin silang nagdevelop na industrial parks sa Seneg Egypt, India at sa Pakistan.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos kay Sulayemkung naging kapaki-pakinabang ang mga negosyo nila sa ibang bansa dapat aniyang madaliin din itong i-develop sa Pilipinas sa tulong ng public-private partnerships (PPP) para sa infrastructure projects.