Isinagawa ang isang turnover ceremony ng isang multipurpose evacuation center sa bayan ng Lingayen sa tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Mas matibay, maayos at malawak na evacuation center ang maari na ngayong magamit ng bayan.
Ayon sa LGU Lingayen, mapalad ang kanilang bayan at napabilang sila sa mga lugar na nabigyan ng tulong ng PAGCOR.
Dagdag nito, nagpa-abot din sila ng pasasalamat maging ang buong sangguniang bayan sa biyayang ito hindi lamang sa mga disaster prone Barangays kundi karagdagang facility din ito na magagamit sa iba’t ibang aktibidad ng bayan.
Limampung milyong piso o 50 million pesos ang kabuuang pondo na inilaan ng pagcor para sa proyektong ito habang may limang milyong piso o 5 million pesos counterpart naman ang lokal na pamahalaan para sa pagtatambak at pundasyon ng naturang gusali. |ifmnews
Facebook Comments