‘Multong sanggol’, nakita ng isang ina na katabi ng anak sa pagtulog

Image from Facebook/Maritza Elizabeth

Huwag subukan gisingin ang batang natutulog, kahit may katabi pa siyang friendly little ghost sa crib.

Mistulang napaaga ang Halloween ng isang ina sa Illinois, United States dahil sa makatindig-balahibo pero nakatatawang karanasan sa loob mismo ng tirahan noong Oktubre 19.

Kuwento ni Maritza Elizabeth Cibuls, nakita niya sa baby monitor na may katabing “multong sanggol” ang 18-month-old na anak habang natutulog sa crib.


Kinilabutan si Cibuls sapagkat dalawa lamang sila ng supling sa tirahan noong gabing ‘yon.

Agad niyang kinuhanan ng retrato ang “elementong” namataan at ipinadala sa asawang nasa trabaho.

“So last night I was positive there was a ghost baby in the bed with my son. I was so freaked out, I barely slept. I even tried creeping in there with a flashlight while my son was sleeping, bahagi ng Facebook post ng ilaw ng tahanan.

Aniya, nanatili siyang gising para tiyaking hindi gumagalaw ang “multo”.

“I didn’t see anything unusual in the crib at all. I was trying to feel around to see if there was any wetness – we thought there might be some drool on the sheet – but I didn’t feel any,” pahayag ni Cibuls sa Yahoo Lifestyle UK.

Kinaumagahan, sinimulan niya ang imbestigasyon kaugnay sa naispatang multo sa kuwarto ng supling.
Sa isinagawang pagsisiyasat, lumabas na nakalimutang tanggalin ng kabiyak ang mattress protector noong nagpalit ito ng bed sheet.
At ang nakitang “multong sanggol” ni Maritza – logo pala ng brand ng naturang mattress protector.
Image from Facebook/Maritza Elizabeth

“Well, this morning I go to investigate a bit further. It turns out my husband just forgot to put the mattress protector on when he changed the sheets. I could kill him,” pabirong mensahe ni Maritza.

Mabilis naman naging viral sa internet ang kuwentong kababalgahan at katatawanan ni Cibuls. Sa ngayon, umabot na ito sa mahigit 500,000 shares and likes sa Facebook.

Facebook Comments