Suportado ni Commission on Audit Chairman Michael Aguinaldo ang mungkahing buwagin na lamang ang Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) at Philippine International Trading Corporation (PITC).
Ito ay matapos magpasa ng panukala si Sen. Imee Marcos na nagsusulong na tanggalin na ang mga ito dahil sa nangyayaring ‘systematic corruption’.
Ayon kay Aguinaldo, oras na para baguhin ang nakasanayang pagbili ng ilang kinakailangang suplay ng pamahalaan.
Aniya, mas makakabuti ito dahil mababawasan ang posibleng korupsyon gaya ng isyu sa pagbili ng mga overpriced COVID-19 essential na dumaan sa PS-DBM.
Binigyang diin din ni Aguilnaldo ang kalagahan ng balance sa efficiency at accountability sa lahat ng ahensya ng gobyerno.
Facebook Comments