Mungkahi na bigas sa halip ng pera ang ipamahagi ng pamahalaan, dapat pag-aralang mabuti

Para kay 4Ps Party-List Rep.JC Abalos, pag-aralan munang mabuti ang mungkahi ng Department of Agriculture (DA) na bigas na lang sa halip na pera ang rice subsidy na ibibigay ng gobyerno sa mga benepisaryo ng pantawid pamilyang pilipino program o 4Ps.

Sa personal na opinyon ni Abalos, mas mainam pa rin ang cash grant dahil may nakalatag ng mekanismo sa pamamahagi nito at ito na rin ang nakasanayan ng mga benepisaryo.

Bilang ekonomista naman ay ipinaliwanag ni Marikina Rep. Stella Quimbo na mas madali ang paraan ng pagbibigay ng pera kumpara sa bigas na kailangan pang mag-procure o bumili ang kinauukulang ahensya na matagal na proseso at posibleng mapasukan ng iba pang problema.


Facebook Comments