Binatikos ni Senator Koko Pimentel ang mungkahi na gawing 3 doses ang kumpletong bakuna ng COVID-19 vaccine, kasama ang booster shots.
Giit ni Pimentel, mali na pilitin ang mga tao na magpa-booster shots para lang mawala ang issue ng expiring vaccines.
Ang problema sa atin ayon kay Pimentel ay masyado tayong nagpapaniwala sa mga malalaking pharmaceutical companies.
Sabi ni Pimentel, noong una ay grabe ang pagbibida sa pagiging epektibo ng COVID-19 vaccine na pero sa bandang huli ay lumabas na hanggang anim na buwan lang pala ang bisa nito at hindi pa lubusang makahadlang sa infection.
Dismayado si Pimentel na hindi naging fully transparent ang big pharma ukol sa COVID-19 vaccine mula sa umpisa.
Facebook Comments