Mungkahi na ilipat ang PhilHealth sa Office of the President, mainam na hakbang para sa isang kongresista

Sang-ayon si House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda sa mungkahi na ilipat ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa Office of the President mula sa Department of Health (DOH).

Para kay Salceda, ang nasabing proposal mula kay Health Secretary Teodoro Herbosa ay isang mainam na paunang hakbang sa pagpapatupad ng mga reporma sa PhilHealth.

Tiwala si Salceda na makakatulong ito para mas mapahusay ang financial governance at investment management ng PhilHealth na isa aniyang social insurance agency at hindi isang ospital.


Sabi ni Salceda, sa pamamahala sa PhilHealth ay maaring konsultahin ng pangulo ang Secretary of Finance.

Naniniwala si Salceda na sa ganitong set-up ay matitimbang at matutugunang mabuti ng pangulo ang finance and health concerns sa PhilHealth.

Tiniyak naman ni Salceda na sila sa Kongreso ay patuloy na magtatrabaho para maipatupad ang nararapat na mga reporma sa PhilHealth.

Facebook Comments