Mungkahi na pagtibayin ang buong panukalang 2026 National Budget, tinutulan ng isang Kongresista

Tutol si Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila De Lima sa suhestyon ni Senador Panfilo Lacson na i-adopt o pagtibayin na lang ng Kongreso ng buo ang 2026 National Expenditure Program (NEP).

Nauunawaan ni De Lima ang batayan ng mungkahi ni Lacson pero kanyang iginiit na dapat tuparin ng Kongreso ang mandatong iniatas ng Konstitusyon na suriing mabuti ang panukalang pambansang budget.

Nangangamba rin si De Lima na ang pag-adopt sa buong budget ay pamarisan sa hinaharap na lubhang delikado kung magkaroon ang bansa ng corrupt na pangulo, at maging sunod-sunuran sa kanya ang Kongreso at Senado.

Si House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong naman ay pabor lang na i-adopt ang pondong nakalaan sa flood control projects.

Dagdag pa ni Adiong, dapat ding batayan kung matatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa itinakdang panahon ang mga big ticket project.

Facebook Comments