Sinegundahan ni Manila Third District Rep. Joel Chua ang mungkahi na palayasin ang mga Chinese diplomats na umano’y nagkakalat ng maling impormasyon kaugnay sa West Philippine Sea.
Mensahe ni Chua sa Department of Foreign Affairs ang pagpapalayas sa mga Chinese diplomats ay hindi magdudulot ng paglala ng tensyon sa WPS dahil ito ang nararapat na tugon sa kawalan ng respeto, kasinungalingan, at pagpapakalat ng maling impormasyon ng Embahada ng China.
Kasama sa suhestyon ni Chua na paghahain ng Writ of Kalikasan laban sa China dahil sa pinasalang dulot nito sa Panganiban Reef o Mischief Reef, Ayungin Shoal, Bajo de Masinloc, at iba pa.
Ayon kay Chua, may sapat na mga ebidensya at basehan para magkasa ng legal at diplomatic na hakbang ang Pilipinas laban sa ginawa ng China na paglabag sa mga umiiral na Maritime Law at paggambala sa kalayaan sa paglalayag.