Mungkahi ng NAMFREL na by number ang mga kandidato imbes na kada apelyido sa balota, suportado ng COMELEC

Suportado ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon ang suhestiyon ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na ‘wag gawing chronological ang ayos ng pangalan ng mga kandidato sa balota.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Commissioner Guanzon na maganda ang suhestiyon ng naturang election watchdog.

Kailangan lamang lumiham sila sa COMELEC En Banc upang ito ay maisama sa agenda.


Sa suhestiyon ng NAMFREL, nais nitong magkaroon ng numero ‘randomly’ ang bawat kandidato na sasabak sa halalan kaysa kanilang apelyido.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ng mga kandidato na gumamit ng alyas na nag uumpisa sa letter ‘A’ o number ‘1’ para mapunta sila sa pinakataas ng balota.

Strategy kasi ito ng ilang pulitiko nang sa ganon ay may recall o kita agad ang kanilang pangalan o partido sa balota.

Facebook Comments