Manila, Philippines – Bagama’t inirerespeto, hindi tinanggap ng Office of the Solicitor General (OSG) ang mungkahi ni dating Pangulong Fidel Ramos na limitahan lang ang mga lugar na sakop ng martial law.
Kasunod na rin ito ng pagbatikos ni Ramos sa deklarasyon ni Pangulong Duterte ng batas militar sa Mindanao.
Una rito, sinabi ni Ramos na tahimik naman ang ibang lugar sa Mindanao kaya hindi kailangang ipatupad ang martial law sa buong rehiyon.
Pero depensa ni SolGen. Jose Calida – hindi praktikal ang naturang mungkahi ni Ramos lalo’t walang secured boarders sa Mindanao kaya madaling makakalipat ang mga terorista sa ibang lugar.
Pinuna naman ng ilang mambabatas ang pambabatikos ni Ramos.
Sabi ni Senador Jv Ejercito, hindi na pangulo si Ramos kaya dapat respetuhin na lang nito ang desisyon ni Duterte.
Ayon naman kay Sen. Ping Lacson, sa halip na batikusin mas makatutulong kung hahayaan munang gawin ng pamahalaan ang nararapat pero iginiit na dapat bantayan ang posibleng pag-abuso sa batas militar.
DZXL558