Dinipensahan ng Philippine National Police (PNP) ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng armas ang mga civilian organizations na katuwang ng pulisya sa paglaban sa krimen.
Ito ay kahit kumontra si Senator Panfilo Lacson sa mungkahi kung saan maituturing aniya itong masamang ideya.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, bagama’t suportado niya ang sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) na magkakaroon ito ng negatibong epekto sa karapatang pantao ng bansa, tiniyak naman niya na hindi ito magreresulta sa karahasan.
Sinabi naman ni Eleazar na sa sandaling maaprubahan ay dadaan sa maraming rules at procedures ang mga sibilyan na nais magkaroon ng sariling armas.
Ilan na rito ang mga requirement tulad ng; License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at ang firearms license and the Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).