Mungkahi ni Speaker Romualdez na pangunahan ng Senado ang alternative People’s Initiative, tinabla ni SP Zubiri

Tinanggihan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mungkahi ni Speaker Martin Romualdez na manguna ang Senado sa alternative People’s Initiative para sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ito ang nilalaman ng liham na ipinadala ni Romualdez kay Zubiri kaninang umaga.

Ayon kay Zubiri, walang naging pag-uusap ang dalawang kapulungan tungkol sa alternative People’s Initiative na pangungunahan ng Senado.


Naniniwala aniya ang mga senador na ang lehitimong People’s Initiative ay dapat tunay na magmumula sa mga tao.

Naninidigan din aniya ang Senado na ang kasalukuyang porma ng People’s Initiative ngayon ay may depekto at labag sa Saligang Batas.

Nagbabala aniya sila sa posibilidad na constitutional crisis at sinikap na iwasan ito pero sa kasamaang palad ay mukhang ito na ang unti-unting nangyayari ngayon.

Umaasa na lamang si Zubiri na hindi magtatagal ay matatapos din ang krisis na ito at tiniyak na mananatili silang mapagbantay para sa bansa at para sa mga mamamayan.

Facebook Comments