Mungkahing 2 weeks hard lockdown, makakatulong para protektahan ang mga Pilipinong hindi pa nababakunahan

Kailangang protektahan ang mga Pilipinong hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccines.

Ito ang iginiit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion kasabay ng kanilang pagpabor sa mungkahing isailalim sa 2 weeks hard lockdown ang Metro Manila dahil sa banta ng Delta variant.

Ayon kay Concepcion, batid kasi nilang marami pang Pilipino ang gustong magpabakuna pero kulang pa rin ang supply sa bansa kung kaya’t sila ang dapat maprotektahan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng lockdown.


Paliwanag pa nito, nasa Inter-Agency Task Force pa rin naman ang magiging pinal na desisyon pero mas makabubuti nang maghigpit habang kaunti pa lamang ang posibleng maapektuhan

Una nang sinabi kahapon ni Concepcion na “ghost month” naman ang Agosto dahil karamihan sa atin ay hindi lumalabas ng bahay bunsod ng tag-ulan.

Facebook Comments