Mungkahing alisin ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa COVID-19 health protocols, tinutulan ni Dr. Leachon

Tutol si dating National Task Force (NTF) Against COVID-19 Adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon na tanggalin na ang mandatory face shield policy habang may COVID-19 pandemic.

Kasunod ito ng apela ni Manila Mayor Isko Moreno na huwag nang obligahin ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar at i-adjust ang pandemic policy.

Sa interview ng RMN Manila kay Leachon na base sa siyensya ay malaki ang naitutulong ng face shield para maprotektahan ang isang tao sa virus lalo na’t kakaunti pa lang ang nababakunahan laban sa COVID-19 sa bansa.


Maliban sa pagsusuot ng face shield, mabisang proteksyon din aniya sa virus ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at social distancing.

Facebook Comments