Handa si Senate President Vincente “Tito” Sotto III na suportahan ang mungkahi na alisin o tapusin na ang pagsasailalim sa Pilipinas sa state of public health emergency.
Pero diin ni Sotto, ang nabanggit na hakbang ay dapat nakabase sa scientific data na magpapatunay na hindi na delikado ang COVID-19 virus.
Pahayag ito ni Sotto kasunod ng suhestyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion na mabuting alisin na ang state of public health emergency upang maibalik ang tiwala ng publiko at mas mapadali ang pagbangon ng ekonomiya.
Ang mungkahi ni Concepcion ay makaraang isailalim ng Centers for Disease Control and Prevention ang Pilipinas sa lowest travel-risk classification.
Facebook Comments