Mungkahing armasan ang mga civilian organizations, suportado ng DOJ

Sinuportahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga civilian organizations na magiging katuwang ng pulisya sa paglaban sa krimen.

Ayon kay Guevarra, noon pa man ay maaari na ang pagmamay-ari ng isang indibidwal sa armas bilang proteksyon nito sa krimen.

Pero kailangan muna nitong dumaan sa lahat ng batas at panuntunan para sa tamang proseso.


Kung sa isyu naman ng pagiging vigilante kapag may hawak na baril, sinabi ni Guevarra na iba na itong usapan dahil mababa ang naitatalang krimen ngayon lalo’t nasa gitna ng pandemya ang bansa.

Sa ngayon, sinuportahan din ni Guevarra ang Philippine National Police (PNP) dahil nagiging hands-on ito sa pagtupad sa tungkulin.

Facebook Comments