Mungkahing ‘bakuna bubble’, malinaw na isang diskriminasyon

Hindi pabor sa Employers Confederation of the Philippines ang mungkahing luwagan ang mobilisasyon ng mga indibidwal na fully vaccinated.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis, ang mungkahing ito ay isang malinaw na diskriminasyon.

Sa halip, aniya, dapat payagan ng pamahalaan na magtrabaho lalo na ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) dahil hindi sapat ang ibinibigay na ayuda ng gobyerno.


Samantala, inaprubahan naman ng ECOP ang pagbibigay ng insentibo at benepisyo sa mga bakunado na.

Facebook Comments