Mungkahing bawiin ng gobyerno ang 40% na pag-aari sa NGCP, pwedeng ikadismaya ng mga foreign investors

Nagbabala si Senator Chiz Escudero, posibleng makadismaya sa mga dayuhang mamumuhunan ang “renationalization” o muling pagkuha sa mga dating pag-aari ng gobyerno.

Kaugnay na rin ito sa suhestyon ng ilang mga kasamahang mambabatas na bawiin ng pamahalaan ang 40% shares ng China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kay Escudero, hindi niya sinusuportahan ang naturang rekomendasyon hangga’t hindi niya nababasa at hindi dumadaan sa masusing pag-aaral ang plano.


Babala ni Escudero, kailangang maging maingat ang gobyerno sa pagbawi sa mga dating assets na naibenta na dahil maaari itong magbigay ng maling signal sa mga kasalukuyan at mga potensyal na investors.

Dagdag pa ng senador, ang biglang U-turn sa mga polisiya ay posibleng makapag-destabilize sa mga mamumuhunan at siguradong napakamahal para sa gobyerno.

Facebook Comments