Mungkahing community service sa halip na parusahan ang mga lalabag sa curfew, pabor sa Commision on Human Rights

Suportado ng Commision on Human Rights na sumailalim na lamang sa community service ang mga mahuhuling lalabag sa curfew.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline de Guia na hindi naman kinakailangan ng matinding parusa para disiplinahin ang mga indibidwal.

Paliwanag ni De Guia, magiging taliwas sa layunin na protektahan ang publiko kung mas masasaktan at posibleng ikasawi pa ng isang tao ang gagawing parusa.


Samantala, nakikipag-ugnayan na ngayon ang chr sa pamilya ni Darren Peñaredondo na nasawi sa General Trias, Cavite matapos mahuli at utusan mag-pumpings nang 300 beses.

Kaugnay nito, ikinatuwa ng ahensiya ang desisyon ng Department of Interior and Local Government na imbestigahan ang insidente at maparusahan ang pulis kung mapatunayang may naging paglabag sa pagpaparusa sa nasawing biktima.

Facebook Comments