Mariing kinontra ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na isailalim ang buong bansa sa state of calamity sa loob ng isang taon.
Ayon kay Chua, tama ang posisyon ni President Ferdinand Marcos Jr., na hindi sapat ang kasalukuyang sitwasyon para maging basehan ng deklarasyon ng state of calamity ng ganun katagal.
Paliwanag ni Chua, ang hagupit ng Bagyong Paeng ay hindi naman sumaklaw sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Higit na nababahala si Chua na pabigla-bigla at hindi pinag-iisipang mabuti ng NDRRMC ang rekomendasyon nito.
Facebook Comments