Mungkahing gawing 24/7 ang operasyon ng COVID-19 vaccination sites, hindi pa prayoridad ngayon ayon sa DOH

Pag-aaralan pa ng Department of Health (DOH) ang mungkahing gawing 24 oras ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine para mas mabilis na maabot ng bansa ang herd immunity.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kasalukuyan ay hindi pa ito prayoridad sa kanilang mga stratehiyang gagawin.

Paliwanag ni Vergeire, posible lamang ang ganito kung may sapat na tayong supply ng COVID-19 vaccine at kinakailangan pang pabilisin ang proseso ng pagbabakuna.


Sa ngayon, ayon kay Vergeire ay nakikipag-partner na ang gobyerno sa iba’t ibang mga pribadong sektor para sa pagtatayo ng malawakang vaccination sites.

Facebook Comments