Mungkahing gawing barya ang 20 pesos bill, pag-aaralan ng BSP

Isasailalim sa deliberasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mungkahing gawing barya ang bente pesos.

Partikular na magsasagawa ng pag-aaral nito ang BSP Committe on Currency Design and Enhancements.

Sa gagawing deliberasyon, titingnan ng BSP ang isyu ng specification, security features, at disenyo ng ilalabas na pera.


Ang magiging resulta ng pag aaral ng BSP ay agad namang isusumite sa Pangulong Duterte para sa kaukulang pag-apruba.

Ang rekomendasyon ng University of the Philippines ay bunga ng katwirang mas madalas na nagagamit ang nasabing halaga sa mga transaksyon na nagreresulta para sa madaling pagluma nito.

Facebook Comments