Mungkahing gawing legal ang motorcycle taxi sa bansa, ikinokonsidera ni PBBM

Ikinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mungkahing gawing legal ang motorcycle taxis sa bansa.

Ito’y matapos magpahayag ng interes ang Grab Holdings Inc. sa pulong sa Malacañang na nais nilang palawakin ang electronic vehicles sa Grab services, public transport services at ibahagi ang best practices nila na ipinatutupad sa ibang mga bansa.

Target ng Grab Philippines na palawakin ang kanilang operasyon sa sampung lungsod at mga bayan.


Humirit din ito sa pamahalaan na luwagan ang regulasyon sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Kasunod nito ay inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang posibleng epekto ng kahilingan ng Grab at magsumite ng report at rekomendasyon hinggil dito.

Sa kasalukuyan ay mayroong tinatayang 40,000 drivers na nakarehistro sa Grab TNVS, 30,000 dito ay bumibiyahe sa Metro Manila

Facebook Comments