Mungkahing gawing libre ang Yellow card, welcome sa BOQ

Welcome sa Bureau of Quarantine (BOQ) ang panukalang gawing libre ang Yellow card o mas kilala sa tawag na International Certificate of Vaccination (ICV) partikular sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay BOQ Director Dr. Roberto Salvador Jr. , napag-usapan na ng ilang opisyal ng Department of Health (DOH) kabilang si Health Secretary Francisco Duque III para magkaroon ng katibayan na bakunado na ang mga Pilipinong nais umalis ng bansa.

Aniya, mangyayari lamang ito kung maglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa Yellow card.


Paliwanag ni Salvador, mayroon na kasing bayad ang pagkuha ng Yellow card simula pa noong taong 1970.

Facebook Comments