Mungkahing hatiin ang cash assistance para sa mga mahihirap na pamilya, tinutulan ng liderato ng Senado

Kinontra ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mungkahi na hatiin ang cash assistance para sa mahihirap na pamilya para mas marami ang makinabang.

Katwiran ni Sotto, magiging napakaliit na kung bibiyakin ang 5,000 hanggang 8,000 pesos na pang-isang buwang tulong ng gobyerno sa mahihirap na pamilya ngayong may COVID-19 crisis.

Ayon kay Sotto, may sapat na pondo ang gobyerno para maibigay ang cash assistance sa 18 milyong mahihirap na pamilya at ang sosobra dito katulad ng mga nasa middle class ay maaring gawan ng paraan o hanapan ng pondo.


Nakasaad sa ikatlong report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na naibigay na ng Department of Social Welfare and Development ang mahigit 101 billion pesos para sa Social Amelioration Program.

Saklaw nito ang 84 percent o 4.4 million na beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Facebook Comments