Hindi tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang panukalang ipagpaliban ang pagbubukas ng klase hanggang walang inilalabas na bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Education Undersecretary Revsee Escobedo, hindi pa tiyak kung kailan magkakaroon ng bakuna.
Pero sinabi ni Escobedo na ligtas nang simulan ang bagong school year sa August 24, 2020 lalo na at maraming alternatibong paraan para isagawa ang klase.
Ang pag-uurong ng class opening sa Agosto ay base na rin sa konsultasyon mula sa mga eksperto at stakeholders.
Tinutugunan din ng DepEd ang ilang concern hinggil sa pagpapatupad ng alternative learning delivery modes, partikular ang online learning dahil sa unreliable at unequal access sa internet.
Paglilinaw ni Escobedo na hindi kailangan ang physical presence ng mga guro at estudyante sa pagbubukas ng klase.
Ang pagsasagawa ng physical classes ay nakadepende sa health situation ng lokalidad.