Mungkahing ibukod ang Mindanao, layuning ilayo ang isyu kaugnay sa imbestigasyon ng ICC

Binatikos ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang isinusulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Sa tingin ni Brosas, paraan ito ni Duterte para ilayo ang isyu kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa war on drugs na ikinasa sa ilalim ng nagdaang administrasyon.

Bunsod nito ay iginiit ni Brosas na sa halip ibukod ang Mindanao ay mas mainam na si former President Duterte ang bumukod at harapin ang ICC.


Ayon kay Brosas, hindi dapat umaasta si Duterte na may pakialam sa Mindanao dahil sa ilalim ng kanyang pamumuno ay isinailalim niya ito sa Martial Law at ipinasara umano ang paaralan ng mga lumad.

Facebook Comments