Iginiit ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na hindi pa pinal ang mungkahing ihiwalay ang mga nabakunahan nang empleyado sa mga hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccines.
Sa interview ng RMN Manila, nilinaw rin ni Concepcion na ito ay posibleng gawin lamang sa mga lugar kung saan walang maayos na ventilation.
Paliwanag ni Concepcion, hindi naman ito maituturing na diskriminasyon lalo na’t kasalukuyan pa rin tayong nasa pandemya.
Ayon pa sa kaniya, hindi pa naman kasi tayo ligtas hangga’t hindi pa natin naaabot ang tinatawag na population protection.
Facebook Comments