Suportado ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senator Richard Gordon ang nais ni Department of Science and Technology (DOST) Executive Director Dr. Jaime Montoya na gawin sa PRC ang clinical trial ng Ivermectin para sa mga pasyenteng nasa kanilang isolation facility.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gordon na pabor siya sa anumang adhikain na nais isagawa ng DOST upang makatulong sa pagkakadiskubre ng mga gamot kontra COVID-19.
Pero paliwanag ng Senador, kailangan muna ng pahintulot sa gobyerno para maisagawa ang trial tulad ng Food and Drug Administration (FDA) at mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).
Sa ngayon, tinatarget na ng DOST na matapos sa unang quarter ng susunod na taon ang clinical trial ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19
Habang posible din itong masimulan sa huling linggo ng Mayo dahil kinakailangan pa nitong dumaan sa iba’t ibang committee.