Mungkahing iturn-over sa gobyerno ang pangangasiwa sa NGCP, posibleng maging sanhi ng korapsyon

Ibinabala ni Senator Sherwin Gatchalian ang posibleng korapsyon sa oras na hawakan na ng gobyerno ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kasunod ito ng naging mungkahi ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na pag-take over ng gobyerno sa NGCP kasunod ng naranasang rotational brownout sa Luzon.

Ayon kay Gatchalian, oras na hawakan na ng gobyerno ang mga negosyong may kinalaman sa kuryente, malaki ang posibilidad na maging ito ay pasukin na rin ng korapsyon dahil sa ilang mga tiwaling opisyal.


Giit kasi ng senador, korapsyon ang dahilan kung bakit dumistansya ang gobyerno sa sektor ng enerhiya kung saan halimbawa ay ang naitalang trilyon-trilyong utang.

Wala pa namang sagot ang NGCP at gobyerno kaugnay rito.

Facebook Comments