Mungkahing karagdagang 8 ruta para sa mga Passenger Utility Buses sa Quezon City, hiniling ng QC-LGU sa LTFRB

Pormal nang hiniling ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbukas ng 8 karagdagang bagong ruta para sa mga Passenger Utility Buses (PUBs) sa Quezon City.

Pormal nang lumagda sa kasunduan ang Quezon City Local Government Unit (LGU) at LTFRB sa Bus Augmentation Program na proyekto ng pamahalaang lungsod.

Layon ng city government na bigyan pa ng karagdagang Public Transport Services sa loob ng lungsod ang mga nasasakupan nito.


Ang 8 ruta na mungkahi ng LGU ay ang mga sumusunod:

• Quezon City Hall hanggang Cubao P. Tuazon cor. Gen. Romulo Ave. at Vice Versa
• Quezon City Hall hanggang Litex at Vice Versa
• Welcome Rotonda hanggang Aurora Katipunan at Vice Versa
• Quezon City Hall hanggang General Luis via SB Road at Vice Versa
• Quezon City Hall hanggang Mindanao Ave. na tagos ng Quirino Highway at Vice Versa
• Quezon City Hall hanggang LRT 2 Gilmore at Vice Versa
• Quezon City Hall hanggang E. Rodriguez Jr. Ave cor. Ortigas Ave. at Vice Versa
• Quezon City Hall hanggang LRT 1 Roosevelt to Quezon City.

Inaasahan na magiging operational ang mga ruta ng PUB sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

Facebook Comments