Mungkahing magtatag ng Dept. of Water, suportado ni PRRD

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang bumuo ng departamento para sa water-related concerns.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – naniniwala ang Pangulo na ang pagbuo ng Department of Water ay pag-iisahin ang mga ahensyang nakatuon sa mga isyu na may kaugnayan sa tubig.

Maiiwasan din aniya nito na maulit ang naranasang water interruption ng mga residente sa Metro Manila at karatig lalawigan.


Ang mungkahing water department ay isa sa mga proposal sa road map na layuning maibsan ang epekto ng El Niño at water shortage.

Facebook Comments