Mungkahing pagbuo ng National Nursing Advisory Council, suportado ng House Committee on Labor Chairman

Suportado ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th district Representative Fidel Nograles ang planong pagbuo ng National Nursing Advisory Council (NNAC).

Diin ni Nograles, susuportahan niya ang naturang hakbang ni Health Secretary Teodoro Herbosa basta’t matitiyak na ‘well represented’ ang bawat stakeholder sa naturang sektor.

Ikinalugod ni Nograles, ang pagpapakita ni Herbosa ng kahandaan na makinig sa mga stakeholders.


Umaasa si Nograles na ang paglikha ng NNAC ay daan para maresolba na sa wakas ang mga suliranin sa nursing sector.

Sa tingin ni Nograles, ito ay paraan din para magkaroon ng perfect harmony para sa kapakanan ng mga manggawa sa health sector at sa intres o kalusugn ng mamamayan.

Tiniyak naman ni Nograles na handa syang maging bahagi ng council upang agad niyang mailatag ang panukalang batas na kakailanganin.

Facebook Comments