Mungkahing pagpapaliban sa barangay elections, lusot na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms

Inaprubahan ngayon ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang motion na nagsusulong na ipagpaliban sa unang Lunes ng December 2023 ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa december ng kasalukuyan taon.

Ang komite ay pinamumunuan ni Congressman Maximum Dalog at 12 na miyembro nito ang pumabor at 2 ang tumutol sa nabanggit na motion na inihain ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga.

Base sa motion, ang mananalo sa barangay at SK elections ay magsisimulang manungkulan simula January 1, 2024 sa loob ng tatlong taon.


Nakapaloob din sa motion na ang mga kasalukyang opisyal ng barangay ay mananatili sa pwesto hanggang hindi naihahalal ang kanilang kapalit.

Napagkasunduan ng mga miyembro ng house committee na bubuo sila ng isang panukalang batas ukol sa nabanggit na pagpapaliban ng barangay elections, na kanilang ihahain sa plenaryo para isailalim sa deliberasyon.

Facebook Comments