Mungkahing pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-senador, suportado nina Senator Go at Dela Rosa

Welcome kina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go ang mungkahi na pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador sa 2022 elections.

Ayon kay Dela Rosa, kung gagawin ito ni Pangulong Duterte ay kanyang susuportahan.

Diin naman ni Go, malaking tulong si Pangulong Duterte bilang isang senador dahil iba kapag nandiyan siya na nagsisilbing tatay na masasandalan ng mga kababayang nangangailangan.


Giit pa ni Go, mas mainam si Pangulong Duterte sa Senado kaysa sa ilang senador na naghahanap lang ng pagkakamali.

Facebook Comments