Mungkahing reenacted budget ngayong taon, ikokonsidera ni Senator Legarda

Manila, Philippines – Ilalahad ni finance committee chairperson Senator Loren Legarda sa bicameral conference committee o bicam meeting ang mungkahi ni Senate President Tito Sotto III na re-enacted budget na lang ang gamitin ngayong 2019.

Ang rekomendasyon ni Sotto ay bunga ng pagkabwisit sa hindi matigil na kaliwa’t kanang alegasyon na may mga insertions o pork barrel umano sa 2019 budget.

Ngayong araw ang target ng Senado at Kamara na tapusin ang nagpaaptuloy na bicam para sa 2019 budget.


Ayon kay Legarda, natapos na ng technical staff ng Senado at Kamara ang hindi magkakatugmang probisyon sa kani-kanilang bersyon ng budget at plano nila na busisiin pa ito line by line.

Nauna ng inihayag ni Senator Legarda ang pag-asa na maratipikahan ang budget ng dalawang kapulungan sa February 6 na syang huling araw kanilang session.

Facebook Comments