Mungkahing suspendihin ang VAT sa kuryente, ibinasura ng DOE

Ibinasura ng Department of Energy (DOE) ang mungkahi ng Senate Tax Study and Research Office na suspendihin ang 12 percent na Value Added Tax (VAT) sa konsumo ng kuryente habang nagrerekober ang lahat mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng Joint Congressional Energy Commission ay ipinaliwanag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na hindi maaring pagbigyan ang mungkahi dahil kailangan ngayon ng gobyerno na makakulekta ng buwis para matustusan ang paglaban sa COVID-19.

Ayon kay Cusi, ngayon ay mababa ang presyo ng kuryente dahil mababa ang demand bunga ng pagsasara ng malalaking industrya.


Gayunpaman, tiniyak ni Cusi na patuloy pang sinisikap ng pamahalaan na mapababa pa ang bayarin sa kuryente tulad ng paghahanap ng bagong pagkukunan ng enerhiya.

Ang posisyon ng DOE ay sinuportahan naman ni Department of Finance Undersecretary Bayani Agabin dahil ang suspension aniya ng VAT ay hindi mainam na option sa kasalukuyang sitwasyon.

Facebook Comments