MUNI-MUNI | Malacanang, umaasang magre-reflect si CJ Sereno habang naka-wellness leave

Manila, Philippines – Umaasa ang palasyo ng Malacanang na gagamitin ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang oras sa kanyang wellness leave para magmunimuni at mag-isip.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isang oportunidad ito para kay Sereno na mag-reflect at isipin ang kanyang legacy bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

Umaasa din naman ang Malacanang na ikokonsidera ni Sereno kung ano ang magiging maganda para sa institusyon na kanyang pinamumunuan.


Sinabi din ni Roque na tiwala sila na sa wellness leave ni Sereno ay hindi naman maaapektuhan ang araw-araw na operasyon ng Korte Suprema at ang serbisyong ibinibigay nito sa publiko.

Facebook Comments