MUNICIPAL AGRICULTURE OFFICE NG CALASIAO, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN ANG MGA MEAT SECTION SA BAYAN

Mahigpit na minomonitor ng Municipal Agriculture Office ng bayan ng Calasiao ang lahat ng meat stalls sa bayan bilang pagprotekta at pagsisiguro na ligtas at malinis ang mga ibinebentang karne sa bayan.
Naabutan ng IFM Dagupan ang Meat Inspectors ng MAO Calasiao na nag-iikot-ikot sa bawat pwesto ng bilihan ng mga karne ng baboy, manok at isda kung saan kanilang sinisiguro ang malinis at ligtas na mga produktong ibinibenta.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Doc. Gerald Quinit, ang Meat Inspector II ng MAO, sinabi nito na mahigpit ang kanilang ginagawang monitoring dahil kalusugan ng mga tao ang nakasalalay at upang hindi rin masayang ang kanilang mga paninda at iwas lugi.

Dagdag pa niya, sinisiguro din ng nila kung kumpleto ang mga kailangang dokumento para sa pagbebenta ng mga produktong karne.
Samantala, panawagan naman ng mga meat vendors sa bayan na sana umano ay iwasan na ang importasyon ng mga karne dahil nagiging kawawa lamang umano silang mga local vendors.
Anila, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang imported products dahil sa mababang presyo nito kumpara sa mga bentang galing lokal.
Sa ngayon ang presyohan ng karne ng baboy sa bayan ng Calasiao at nasa P280-300 kada kilo, karne ng manok ay nasa P190-220 kada kilo, karne ng baka ay nasa P340-360. |ifmnews
Facebook Comments